Benepisyo at Inaasahang Resulta

Blog
Benepisyo at Inaasahang Resulta
Dahil dito sa aming adbokasiya, inaasahan naming na marami ang mamulat sa isyung ito pati na kaming mga mag-aaral. Hindi dahil mas madali nating maipapaliwanag ang isang bagay gamitang wikang Ingles, ay lagi na natin itong gagamitin bilang pangunahing wika. Inaasahan naming sa pagtatapos ng aming konseptong ito, ay mas maraming guro na ang magtuturo sa mga larangang agham at teknolohiya, gamitang wika natin.Sa madaling salita ay mas maiintindihan natin ang mga komplikadong leksyon sa pamamagitan ng paggamit ng wikang tagalog. Dahil ang wika natin ay magiging daan sa pag-unlad at pagsulong ng agham, teknolohiya, at ekonomiya ng ating bansa.

W I K A N G T E K N O L O H I Y A

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento