Disenyo ng Proyekto: Adbokasiya

Blog
Disenyo ng Proyekto: Adbokasiya
Maiilalahad dito ang mga bagay o teksto na aming sinaliksik kaugnay sa aming paksa. Sa aming blog ay aming ilalagay ang mga sinaliksik tungkol sa rito. Kasama na rin sa ilalagay ang ilang mga opinyon at mga bagay na may kinalaman sa aming blog. Napag-alaman ng aming grupo na ayon sa Third International Mathematics and Science Study na lumabas noong 1997, nahuhuli ang Pilipinas sa larangan ng agham. Kaya naman napagdesisyonan namin na ito ang gawing adbokasiya. Hindi lahat ng estudyante ay magaling sa Ingles kaya mas maganda kung ituturo ang agham sa wikang Filipino. May apat na paraan ang pagsalin ng mga salitang Ingles sa Filipino. Una ang paggamit ng salitang Kastila tulad ng solido, likido, produkto at iba pa. An pangalawang paraan ay , ang pag-uugnay ng mga katutubong salita para makabuo ng bagong salita. Halimbawa, haynayan, (buhay + hanayan sa biology) at liknayan (likas + hanayan sa physics); at mulapik ( mulaang + butil para sa molecule). Ikatlo ang panghihiram sa Ingles at pagsasa-Filipino ng baybay, tulad ng kemistri, fisiks at bayolodgi. Ang huli ay ang paghahalo ng wikang Ingles at Filipino nang walang pagbabago ang huling paraan. Halimbawa, bumibilis ang takbo ng mga molecule kung tataasan ang temperature. Mas mainam itong gamitin dahil malapit ito sa pangkaraniwang paraan ng pag-uusap.



W I K A N G T E K N O L O H I Y A

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento