MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN | ||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pinili namin ang pamagat na “Pagkilala Sa Wikang Filipino Sa Larangan ng Makabagong Teknolohiya” sapagkat hindi natin madalas nagagamit ang wika
natin tungkol sa teknolohiya at gusto namin na makilala ang wikang Filipino sa buong mundo sa larangang ito. Sa wikang Filipino, mas maiintindihan natin ang mga komplikadong leksyon at mas mauunawaan ang mga salitang na may kaugnay sa teknolohiya tulad ng mga salitang data, software, hardware at marami pang iba. Naipapakita rito, sa pamagat pa lang, ang pakikisabay natin sa makabagong panahon at hindi tayo nagpapahuli sa anumang nauusong bagay tulad ng mga iPhones, Android phones, computers, laptops, at iba pang mga gadgets.Sa pamamagitan ng pamagat na ito, naeengganyo ang lahat na maaring magamit ang ating wika at makisabay sa ibang bansa tulad ng America, Japan at iba pang mauunlad na bansa na gumagamit ng sariling wika sa pagtuturo at pagbibigay kaalaman sa teknolohiya. Ito ay maaaring maging umunlad ang ekonomiya ng bansa. |
Mungkahing Titulo O Pangalan ng Gawain
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento