Rasyunal, Mithiin AT Mga Layunin | ||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pinili namin ang paksang ito sapagkat kailangan nating palinangin ang wika sa larangan ng teknolohiya at iba pa. Hindi natin ginagamit ang
wikang Filipino sa pagtuturo nito sa halip ito ay ginagamit sa wikang Ingles. Gusto naming na ipahayag ang na ang wikang Filipino ay hindi para gamitin sa diskusyon para maintindihan ng mga kabataan kundi mapaunlad at mapanatili ang mga kaayusan ng mga salita sa Filipino. Sa ibang mga bansa ay ginagamit ang kanilang wika sa pagtuturo ng teknolohiya kaya dapat din na ang ating sariling wika ay gamitin dito. Mithiin namin ay maintindihan ng mga Pilipino na pwede itong gamitin sa teknolohiya pati na rin sa pagtuturo nito. Mas pahalagahan nila ang pagtuturo nito sa wikang Filipino. Mas mauunawaan nila ang mga itinuturo at madaling ipaliwanag gamit ang sariling wika sapagkat may mga termino na may kinalaman sa teknolohiya na hindi masyadong maintindihan lalo na sa mga mag – aaral. Ang aming layunin ay mapaunlad ang wika na pwedeng ipagmalaki sa ibang bansa sa larangan ng teknolohiya at maipahayag ang mga bagay tungkol dito gamit ang wikang Filipino. Magamit ang wika ng tama at maayos upang maiwasan ang mga maling ispelling nito. At higit sa lahat ay magkaroon ng interes ang mga Pilipino na matuto upang magkaroon sila ng ideya sa pag-aaral nito. Maaari rin nating magamit ang wikang Ingles sa ibang makahulugang bagay ngunit kailangan din nating gamitin ng husto ang wikang Filipino upang makilala tayo sa buong mundo sa larangan ng teknolohiya. |
Rasyunal, Mithiin AT Mga Layunin
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento